Monday, March 8, 2010

Sa Paligid ng Isang Musmos ni Elena Evangelista

MUSMOS...ikaw ay musmos, ngunit ang pangarap mo ay sintayog ng mga bundok. Hinahanap mo ang isang bagay na kaytagal nawalay sa iyo...subalit kayhirap matagpuan...hindi masumpungan.

Tila isang walang katapusang panaginip ang noo'y iyong minimithi. Sa iyong akala ay wala nang katuparan ang iyong mga pangarap.

Bahagi ng iyong nakitang panaginip--sa iyong pasalit na ekolohiya ay natimo ang isang larawang matapos mong makita ay nag-iwan ng napakaraming kahulugan sa iyo.

Tinangka mong sagutin ang iyong mga katanungan sa pamamagitan na rin ng pagtatanong sa mga taong nakapalibot sa iyo. Subalit sa iyong murang gulang sa iyong walang malay na kaanyuan, sa iyong musmos sa pagkakakilanlan, ang katanungan mo'y tinawanan lamang at ipinagwalang-bahala.

Sa tindi ng iyong pagdaramdam, ikaw sa iyong sarili ang mismong naghanap ng kasagutan sa iyong katanungan. Iginala mo ang iyong paningin sa iyong kapaligiran, hinanap mo ang bagay na magbibigay sa iyo ng hinahanap mong katugunan...ang...

LANGIT na kaygandang pagmasdan. Buong pagmamahal mong sinulyapan ang bughaw nitong kulay na ilang sandali pa ay tatakpan ng tila maitim na bulak na patuloy sa pagkilos sa hindi malamang direksyon, ang...

ULAP na naghatid, naghahatid, at maghahatid ng saganang tubig sa kabukiran. Naghasik, naghahasik, at maghahasik ng yaman sa sangkatauhan. Nagdulot, nagdudulot, at magdudulot ng binhing kapi-pakinabang sa buong daigdig. Binhing lalaki tulad ng isang...

PUNO na ga-higante ang taas. Tila tinatanaw ng ituktok nito ang buong sandaigdigan. Buong kasiyahang iwinawagayway ang kulay-luntian nitong mga dahon. Nagmamalaki sa mga...

IBON na nangag-aawitan nang buong kasiyahan sa kanyang mga tangkay na tila wala nang inaalala pa. Kasaliw ng kanilang malamyos na awitan ang nadaramang malamig na pagdampi ng...

HANGIN na nagbabadya ng walang sawang himig ng kapyapaan. Inililipad niya ang mga tuyong dahon sa papawirin upang doo'y ibulalas ang buong kagalakang nadarama. Hanggang sa mapagod at humantong sa labi ng...

KARAGATAN na lipos din ng kasiyahan. Maging ang malaking alon nito ay malayang ipinahahatid ang taglay na kasiyahan sa pamagitan ng paghampas ng kanyang sarili sa batuhan habang sa kanyang malinaw na tubig ay nananalamin ang...

BUWAN at BITUIN na tumatanglaw sa buong sambayanan sa gitna ng pusikit na karimlang yaon. Sa maliwanag na buwan at maningning na bituin ay mababakas ang kasiyahang inihahatid ng kapayapaan na hindi mo inaasahang matatapos, hanggang sa sumikat ang...

HARIN ARAW na nagbibigay-liwanag sa buong sandaigdigan. Nakangiting pinagmamasdan ang bawat taong nagmamadali sa paglakad tungo sa kaunlaran.

Ngunit ikaw na musmos ang pag-iispi ay hindi pa rin nasiyahan sa namalas mo sa iyong ekolohiya. Dahil sa hindi mo pa nasusumpungan ang bagay na iyong hinahanap, bagkus ay ang kasagutan lamang sa iyong mga katanungan ang iyong nakamtan.

Hanggang sa makihalubilo ka na rin sa mga taong naglalakad tungo sa kaunlaran. Pinagyaman mo ang iyong pag-iisip sa paaralan hanggang sa ika'y makatapos at makapaglingkod sa sambayanan.

Ngayon...ngayon ay hindi ka na matatawag na musmos. Kaisa ka na ng mga aninong naghahabol sa tagumpay...tagumpay sa kayhirap abutin.

Subalit isang araw ay nagising ka sa katotohanan. Sa iyong paglalakad ay narinig mo ang isang awitin. Awiting kamumurot ang bagay na malaon mo nang hinahanap.

Wala ka bang napapansin
Sa iyong mga kapaligiran?
Kayrumi na ng hanging,
Pati na ang mga ilog natin.

Ang bawat titik...salita...parirala...himig...at diwa ng awiting yaon ay tiimbagang bumaon sa iyong dibdib. Nagmistula kang estatwa sa bigla mong pgahinto sa iyong paglalakad.

Hindi nga masama ang pag-unlad,
At malayu-layo
na rin ang ating narating,
Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat--
Dati'y kulay-asul ngayo'y naging itim.

Lalo kang naantig sa apat na linya ng awiting ito...awiting punung-puno ng damdamin, punung-puno ng kahulugan.

Ang mga batang ngayon lang isinilang,
May hangin pa kayang matitikman?
May mga puno pa kaya silang aakyatin?
May mga ilog pa kayang lalanguyan?

Sandali pa'y ngngilid na ang luha sa iyong mga mata. Kinailangan mo pang isubsob ang iyong mukha upang malaya mong maibuhos ang sama ng loob...sama ng loob sa iyong sarili, sa iyong kapwa, at sa kaunlaran. Sanhi kung bakit ikaw ay naging tampulan ng atensyon ng mga kasabay mo paglalakad...sanhi kung bakit ang...

PUNO na lipos ng kasiyahan ay nabalutan ng kalungkutan. Buong pagpapakumbabang itinutungo ang tuyo't kulay-tsokolateng mga dahon. Hindi na niya halos abot-tanaw ang buong sandaigdigan dahil sa mga pusakal na nanggulo sa dati niyang tahimik na pamumuhay. Nahihiya na siya sa mga...

IBON na nangag-aawitan nang buong kalungkutan na tila may pasang isang bagay na ubod nang bigat. Matamlay na sila kaya't di magawang lakbayin ang kalawakan ng daigdig...wala na rin ang dating sigla ng kanilang kaibigang...

HANGIN na nagbabadya ng walang-sawang himig ng kapayapaan na ngayo'y nagbabadya ng walang-sawang himig ng digmaan. Siya na tagapagligtas ng lahat ng tao sa daigdig ay nalason...naging kalumpon ng burak...burak na humantong sa labi ng...

KARAGATAN na punung-puno ng kalungkutan. Maging ang dating malaking alon nito ay makikitang banayad na tila wala nang sigla, dahil sa mapamuksang pamumuhay. Hindi maaninag sa maitim nitong tubig ang larawan ng namimighating...

BUWAN at BITUIN na kahit galit ay patuloy pa ring tinatanglawan ang buong sambayanan sa gitna ng pangit na karimlang yaon. Nababakas sa kanilang mukha ang pagdaramdam sa inihatid ng kaunlaran, ang labis na paghahangad ng tao sa kaunlarang nagdulot ng kasamaan sa ekolohiya. Hangang sa sumikat ang...

HARING ARAW na pagod na pagod na rin sa pagbibigay ng liwanag sa buong sandaigdigan...nagagalit na sa walang habas na pagwasak ng tao sa kapaligiran.

A, ikaw na rati'y musmos ang pag-iisip ay pinagbuti ng kaunlaran...kaunlarang naghahatid sa iyo ng tagumpay...na nagdudulot naman ng kalungkutan sa iyong paligid.

Nabatid mo ngayon ang katotohanan. Ngunit mag magagawa ka pa. Igalaw mo ang iyong mga paa...lumakad...at lumihis sa landas ng dati mo nang tinahak. Ibalik mo ang nagdaang larawan ng iyong kapaligiran nang ikaw'y musmos pa lamang, sapagkat sa paligid ng isang musmos...kagandahan.

Labels:

Tuesday, September 8, 2009

Love for the Classics

Wow, haven't posted in a while. Not really sure as to why I feel like returning here. I guess it's because I have another big report due tomorrow...

Procrastination should be a subject. I'd so pass with flying colors.

Lately my obsession with Alice in Wonderland has, how do you say..., bloomed into something more than, well, obsession. I don't know, I just love drawing illustrations of how I'd picture Wonderland in my own imaginary setting. I guess reading/watching anime/manga a bit too much and having a liking to Lewis Carroll's work would get you to do stuff like that...

Perhaps one day I'd be able to post how this 'setting' of Wonderland in my head would look like, or how it is described to look like...

I'm not entirely sure though.

I'm somewhat of a self-proclaimed 'artist' and I guess drawing is one of my passions. Either that, or I use it to kill time. I'd prefer the former though...

Better get back to my report...

-Positively Cynical-

Labels:

Wednesday, July 15, 2009

Sick as a dog, is it?

So I'm blogging again. I guess. I don't know.

Why?

Well, as is said above, I don't know.

Maybe it's because I'm sick. Yeah. Let's stick with that.

I basically have a sore throat, throbbing head, hurting eyes and a very very stuffy nose. Maybe it's because I haven't slept all day. >_>

Yep. Leave it all to the genius who gets a day off from school not to go to sleep, rest, whatever. Now I'm paying the consequences. Yup. Real smart.

I guess that's all I have to say.

-Positively Cynical
P.s, I feel ashamed. A friend of mine blogs only when he's inspired. I blog when I'm bored. Oh the shame.

Labels:

Thursday, July 9, 2009

Because I Am Bored and Tired

Hello my friends. I am ****** ****** **** and I am tired. Not that I was forced to do shit, it's just that...well, I'm tired. It's the rainy season again and as much as I love the atmosphere, humidity, etc, this year doesn't seem to really cheer me up the way it usually does.

People call the rain gloomy. Usually I'd deny it and say it's pretty and inspiring but it seems this year, life around me has gone sad. Friends turning upon each other, awkwardness due to a mislead confession that wasn't supposed to be a confession, suicide, heartaches; they tend to wear the listener out. I am not saying that I fully know these people's problems nor am I stating that I'm the only one they came to for advice. I am simply a witness to these happenings.

I will not point out names so as not to mislead people into thinking that I'm gossiping about them to the world. I don't gossip (do I?) and neither will I tell others of these people's miseries and dilemmas. I won't do that anymore.

I want to help them, give them advice through my point of view, maybe even help them find happiness again. I don't know. I feel as if I'm being thick in the face but really, that isn't my intention. Can't we just all get along again? This happens every year and I swear I am going to snap if these things don't get better.

I'm not saying that I'm being forced into trying to help these people out, it's just that, I want to but there hasn't been signs of improvement so far. I feel as if all my efforts are going to waste. D=

That's all for now.

-Positively Cynical

Wednesday, July 1, 2009

Homework + I = Epic Phail

Amazing. Simply amazing. I've realized that I only blog whenever I have work to do. Homework, that is.

I am so going to fail this Trimester if I don't shape up. I'm already 100 pages behind on our book reading (Les Miserables), I've recently failed our science long test (holy spit! 32/50), I forgot to hand out a seat work earlier in school and now it's 10 o'clock and I haven't started on my homework yet. Procrastination is like a ritual to me now. A ritual I must stop before I regret it.

Oh wait, I already regret it.

Does that mean it's too late? D8

I HAVE NOTHING ELSE TO SAY!

-Positively Cynical
*Homework tiem D8*

Friday, June 26, 2009

LOL, Pathetic. 8D

Who's pathetic? Well, who else but myself? Heehee, masochism much? Er, yeah. I've just read my previous entries, compared them to my friends' blogs and realization suddenly dawned upon me. Am I really blogging or am I just putting in random stuff? And if so, am I doing it right?

Is putting random stuff in not blogging? Or is it?

I phail in deep thinking. D=

And apparently, finding the right words to express myself.

I HAVE NOTHING ELSE TO SAY!

-Positively Cynical

Labels:

Because I'm Unlucky That Way

I have returned! Alas! I am not dead! 8D

Or am I?

Idk.

Anyway, reason as too why I'm suddenly blogging again is because I am sad. SAD. Seriously sad. Depressed, brooding, sulking, you name it. Why? Well, mother dearest bought me the Sims 3 game last week (or was it the week before that?) and when I, giddy little (pfft) unsuspecting naive child, installed the game into my computer--which btw, took me more than an hour to complete-- and clicked on the Sims 3 icon to dwell upon the awesome game that is Sims 3, I get the blue screen.

And yes, I've tried clicking on it again. And again. ...and again.

All (insert number here) attempts were in vain and I am stuck here in blogspot.com, typing up my misfortune. D,=

And yes, it's an original game, thus, Idk why it won't work.

Sad much.

Gah.

I HAVE NOTHING ELSE TO SAY!

-Positively Cynical

Labels: